Description
May isang batang nagkukuwento tungkol sa kanyang lola. Mabait ang kanyang lola, laging nakatawa, maraming kuwento. Kahit maputi na ang buhok at medyo kulubot na ang balat nito ay maganda pa rin ito. Sa katunayan, siya ang paboritong apo nito, dahil kamukha raw niya ito noong bata pa lamang ito.
Ngunit may isang bagay na ayaw na ayaw niya sa kanyang lola – ang lumang kumot nito.
Alamin sa kuwentong ito ng bata kung bakit laging dala ng kanyang lola ang naninilaw nang kumot, kung paano niya natuklasan ang magagandang alaalang nakaugnay sa kumot, at kung paano siya natutong pahalagahan ang lumang kumot.