Description
Si Lola-Lola ay nanay ni Lola. Siya ay lola ni nanay. Tahimik lang si Lola-Lola. Hindi na siya nagsasalita. Nakaupo lang siya sa kanyang tumba-tumba sa tapat ng bintana. Malayo ang tingin niya, pero hindi ko alam kung ano ang kanyang nakikita. Dahan-dahan siya kung lumakad gamit ang kanyang tungkod. Hindi na siya makasabay sa bilis ng mga bagay-bagay, kaya madalas ay naiiwan siya.
Kawawa naman si Lola-Lola.
Basahin sa kuwentong ito kung ano ang maaaring gawin ng isang bata para makaagapay si Lola-Lola.