Description
“Namatay si Mayor Dacanay sa mismong araw na pinarangalang Junior Detectives sina Uno, Junior, at Thirdy sa bayan ng Valenciano. Natagpuan ang Mayor sa opisina niya, sarado ang mga bintana at pinto. Walang puwedeng daanan ang suspek. Para kina Uno, Junior, at Thirdy, iisa lamang ang maaaring salarin.
May isang sekretaryang nakulong; may isang anak na naulila; at may magkakaibigang lulutas sa kaso ng closed-door mystery.