Description
Bawat umaga nang maagang-maagang-maaga, tatlong bubwit ang nagpupunta sa aplaya upang ihatid ang kanilang magarang-magarang-magarang bangka.
Sa bawat pagbabalik ng kanilang bangka, may dala itong kung ano-ano na labis na ikinatutuwa nila.
Isang araw, pagkatapos nilang kumpunihin ang nasirang layag, pumalaot uli ang bangka – ngunit hindi na bumalik ito. Labis na nalungkot ang tatlong bubwit.
Saan kaya nagtungo ang kanilang bangka?