Description
Winner, 1989 PBBY-Salanga Writer’s Price
Ang kuwentong ANG AWIT NI PULAW ay isang makabagong interpretasyon sa salaysay ng Paglikha sa Daigdig. Inihabi rito ng may-akda ang tema ng pangangalaga sa Kalikasan. Ang kuwentong ito ay nagwagi ng dakilang gantimpala sa PBBY-Salanga Writer’s Prize noong 1989. (Nagwagi rin ang may-akda noong 1990 at 1991.) Ang PBBY o Philippine Board of Books for Young People ay nagpapalaganap ng pagsusulat, pagguhit, at pagbabasa ng mga aklat-pambata sa Pilipinas. Ang unang edisyon ng kuwento ni Pulaw ay nailimbag noong 1992, sa tulong ng UNICEF.