Description
Noong unang panahon, sa bulubunduking lugar ng isang lalawigan, may isang tribong nakatira sa gitna ng malawak na kagubatan – ang mga Ata. Sa maiitim na Ata isinilang si Duha na maputi.
Sa lungsod ay may nakilala si Duha na isang binata na nagdulot sa kanya ng ibayong lungkot, dahilan upang hingin niya sa Haring Araw na paitimin ang kanyang balat katulad ng kanyang mga katribo. Mula noon ayitinuon na ni Duha ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanyang mga katribo.
Alamin sa makabagong alamat na ito kung bakit ang duhat ay may maitim na balat ngunit puting laman, na kasinglinis ng kalooban ni Duha.