Description
“Zzzzzzzzz… Ngoooooork!”
Si Znork ay isang kabayong antukin. Tuloy ay pinagtatawanan siya ng kanyang mga kapwa-kabayo sa kuwadra dahil lagi siyang napag-iiwanan. “Hwee-hee-hee-hee! Hwo-ho-ho-ho!”
Ngunit dahil sa pangarap niyang maging mahusay na kabayong pangarera, nagsikap si Znork na labanan ang kanyang kahinaan. Wala siyang ibang ginawa kundi magsanay.
Pero – naku! – mukhang hindi matutupad ang pangarap ni Znork. Kinuha sila sa kuwadra ng mga binatang nakauniporme.
Ang maganda, higit pa sa inasam ni Znork ang kanyang nakamit – ang maging kabayo ng isang magiting na heneral at bahagi ng isang kabanata sa kasaysayan ng Filipinos.