Description
Si Marina ay isang batang “indio” na nakatira sa labas ng bakod ng Intramuros. Halos gabi-gabi, ang mga ina ay nagdaraos ng salu-salo sa kanilang bahay-bahay. Nang ang kanyang ina ang maghanda ng kaparis na salu-salo sa kanilang bahay, natuklasan ni Marina ang isa pang salu-salo na sa tingin niya ay dapat ilihim sa kaalaman ng mga dayuhang mananakop sa bansa, tulad ni Padro Quentin.
Nang gabing iyon, napagtanto ni Marina ang mahalagang papel na ginagampanan ng isang batang katulad niya sa pagkamit ng kalayaan.